Nai-deliver na sa bansa ang second batch ng bagong manufacture na Automatic Counting Machines (ACMS) at election peripherals na gagamitin sa halalan sa susunod na taon.
Ayon sa Miru system, ang South Korean firm na nakakuha sa kontrata, 8,640 ACMS ang dinala kamakailan lamang sa Comelec warehouse sa Biñan, Laguna habang panibagong 8,640 machines ang dumating din sa bansa.
Dahil dito, sinabi ng kumpanya na nalagpasan nila ang delivery ng 20,000 poll machines para sa buwan ng Agosto, gaya ng ipinangako nila sa Comelec.
Idinagdag ng South Korean firm na nai-deliver na nila ang 100% ng servers, printers, at laptops na gagamitin sa canvassing ng mga boto. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera