dzme1530.ph

Ikabubuti ng mas nakararami, isinasaalang-alang sa mungkahing pagtatapyas ng taripa sa imported na bigas 

Isinasaalang-alang ng Department of Finance (DOF) ang ikabubuti ng mas nakararami sa mungkahing pagtatapyas sa taripa sa imported na bigas.  

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensya hinggil sa proposed tariff cut, na nakikitang isang komprehensibong istratehiya upang mapababa ang presyo ng bigas at matugunan ang posibleng kakapusan sa suplay bunga ng El Niño o matinding tagtuyot.  

Sa kabila nito, tiniyak ni Diokno na suportado pa rin nila ang pagkakaroon ng polisiya para sa “greatest good for the greatest number”.  

Kaugnay dito, siniguro ng kalihim na sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya at stakeholders ay magsusulong sila ng mga programa at hakbang na magba-balanse sa interes ng mga lokal na magsasaka at sa abot-kayang presyo ng bigas lalo na para sa mahihirap.  

Matatandaang iminungkahi ng DOF ang pansamantalang pagbababa sa kasalukuyang 35% na taripa sa imported na bigas, sa 0% hanggang 10%. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author