![]()
Ipinadala na ni House Secretary General Atty. Cheloy Garafil ngayong Huwebes sa tanggapan ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang ika-apat na impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
Kagabi lamang dakong ala sais trenta y kwatro (6:34 P.M) ng gabi nang i-file ni Atty. Nathaniel Cabrera ang fourth impeachment complaint na duly endorsed sina Rep. Benny Abante Jr. at Deputy Speaker Paolo Ortega V.
Alinsunod sa House Rules, ministerial lamang ang papel ng OSG mula sa pagtanggap at pag-transmit ng verified documents na ipina-file sa Kamara.
Dahil dyan nasa kamay na ni Speaker Dy ang bola lalo pa at maron lamang itong 10-session days para maikalendaryo ito sa Order of Business.
Ang lahat ng apat na verified impeachment complaint laban kay VP Sara ay nasa tanggapan na ni Speaker Dy.
