Nakiisa ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Nag-alay ng bulaklak ang Manila LGU sa mismong bantayog ni Ninoy sa kanto ng Padre Burgos Avenue at Roxas Blvd.
Bukod sa lokal na pamahalaan ng Maynila, nagsagawa ang iba’t-ibang grupo ng motorcade mula sa Baclaran Church patungong Sto. Domingo Church at tumigil sa Padre Burgos Avenue para mag-alay ng bulaklak at magbigay ng respeto.
May mga grupo rin ng siklista mula Southern Metro Manila ang nagtungo dito para makiisa sa paggunita ng kaniyang kamatayan.
Matapos dito, ang lahat ay dideretso sa Sto. Domingo Church para sa isang misa na inorganisa ng pamilya Aquino.
Bantay sarado naman ng MPD Station-5 ang paligid ng bantayog ng mag-asawang Aquino upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News