dzme1530.ph

ICI, tiniyak na mananagot ang mga dawit sa maanomalyang flood control projects

Loading

Tiniyak ni ICI Chairman Retired Justice Andres Reyes Jr. na mananaig ang katotohanan sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects sa bansa.

Ito ang kanyang pahayag sa gitna ng pagkakadawit ng ilang pangalan at pulitiko sa naturang isyu, kasabay ng MOU signing ng PNP, Integrated Bar of the Philippines, Mayors for Good Governance, at Philippine Institute of Civil Engineers.

Ayon kay Reyes, ipapakita ng komisyon ang katapatan sa kanilang imbestigasyon at magbibigay ng patas na desisyon para sa bawat Pilipinong apektado ng baha.

Patuloy rin aniya ang pag-imbita ng ICI sa kanilang mga resource person, kabilang ang ilang mambabatas na nasasangkot sa korapsyon.

About The Author