dzme1530.ph

ICI, humirit ng ILBO laban kina Romualdez, Escudero, at iba pang mga opisyal kaugnay ng flood control scandal

Loading

Humiling ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa ilang kasalukuyan at dating opisyal ng pamahalaan na iniimbestigahan kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Kabilang sa mga pinaiisyu­han ng ILBO sina dating House Speaker Martin Romualdez, Senators Chiz Escudero at Jinggoy Estrada, pati na rin ang former senators Bong Revilla Jr. at Nancy Binay.

Kasama rin sa listahan sina COA Commissioner Mario Lipana at ang kanyang asawa na si Marilou Laurio-Lipana, at mga kongresistang Roman Romulo, PM Vargas, Arjo Atayde, Nicanor Briones, at Marcy Teodoro, bukod pa sa iba pang opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa ICI, muli silang magpapadala ng imbitasyon kay Romualdez para dumalo sa pagdinig, habang subpoena na ang ipadadala kay dating Cong. Zaldy Co matapos umano itong ilang ulit hindi tumugon sa kanilang mga paanyaya.

About The Author