dzme1530.ph

ICI, hinimok na muling ikonsidera ang pagbubukas ng imbestigasyon sa publiko

Loading

Nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na ikonsidera ang pagla-livestream ng kanilang mga pagdinig kaugnay ng anomalya sa flood control projects.

Giit ng senador, mahalagang bahagi ng public accountability ang transparency, kaya’t aniya, ill-advised ang desisyon ng ICI na gawing sarado sa publiko ang kanilang proseso.

Matatandaang sinabi ng ICI na kanilang piniling isara sa publiko ang mga pagdinig upang maiwasan ang trial by publicity at ang paggamit ng mga imbestigasyon para sa pamumulitika o personal na interes.

Subalit iginiit ni Pangilinan na lahat ng Pilipino ay nagbabayad ng buwis, at kung kaya’y may karapatan silang malaman ang katotohanan hinggil sa isyu. Dagdag pa nito, pinagtataksilan ng mga opisyal ang taumbayan sa tuwing sila’y hindi nagsisilbi nang tapat.

Nagbabala pa ang senador na huwag subukan ang pasensya ng mamamayan, dahil posibleng humantong sa kilos protesta sa mismong harapan ng ICI ang kawalan ng transparency.

About The Author