dzme1530.ph

ICC victims’ counsel, umapela na ibasura ang mosyon ni FPRRD laban kay Prosecutor Khan

Loading

Nanawagan ang kinatawan ng mga biktima ng war on drugs sa International Criminal Court (ICC) na ibasura ang kahilingan ng kampo ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na ma-disqualify si ICC Chief Prosecutor Karim Khan.

Sa 20-pahinang mosyon na inihain sa Appeals Chamber noong Agosto 26, iginiit ni Principal Counsel Paolina Massidda na walang sapat na batayan ang mosyon at isinampa na ito nang huli.

Binigyang-diin nito na naka-leave na si Khan mula pa noong Mayo habang iniimbestigahan ng United Nations Office of Internal Oversight Services ang mga hiwalay na alegasyon ng misconduct laban dito.

Nabatid na mga deputy prosecutor ang namamahala sa operasyon ng opisina sa ngayon.

Ani Massidda, hindi na si Khan ang aktibong namumuno at wala itong papel sa pagtanggap ng mga referral, imbestigasyon, o pamamahala sa Office of the Prosecutor habang siya ay naka-leave.

About The Author