dzme1530.ph

Ibinabatong budget insertions, tinawag na demolition job ni SP Escudero

Loading

Kumbinsido si Senate President Francis “Chiz” Escudero na demolition job mula sa Kamara ang isyu ng umano’y budget insertions sa 2025 General Appropriations Act para sa flood control projects.

Ayon kay Escudero, ginamit ang isyu upang siraan siya at harangin ang muling pagkakahirang sa kanya bilang Senate President.

Ipinaliwanag ng senador na normal lamang ang pag-amyenda sa pambansang budget at sa katunayan, nasa P600 bilyon ang kabuuang pagbabago na inilipat sa iba’t ibang ahensya.

Giit ni Escudero, sa kanyang 27 taong serbisyo publiko, hindi pa siya nasasangkot sa korapsyon. Isa rin siya sa mga unang pumalakpak sa SONA ng Pangulo nang ipag-utos ang imbestigasyon sa flood control projects, kabilang na ang umano’y ghost projects.

May impormasyon umano ang senador na mula sa Kamara ang paninira sa kanya ngunit tumanggi muna siyang pangalanan ang mga ito.

 

About The Author