Gagawa ng pormal na sulat si cyclist advocate Atty. Raymond Fortun sa Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa hawak nitong mga video sa nangyaring pananakit ng dating pulis sa isang siklista kamakailan.
Sa isang panayam kay Atty. Fortun, nagdesisyon na ang siklistang biktima na hindi na ito magsasampa ng kaso laban sa dating pulis dahil sa pangamba sa kaniyang buhay.
Kaya humahanap ng paraan si Atty. Fortun para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa siklista kahit na tumangi itong magsampa ng kaso.
Ayon kay Fortun, kung may mga tetestisgo na personal niyang nakita ang pangyayari na susuportahan ng mga authentic na video ay maaring magkaroon ng probable cause ang pagsasama ng kasong krimen laban kay Wilfredo Gonzales.
Nilinaw ni Atty. Fortun, na hindi ito laban kay Gonzales, kundi para mabago ang mga kakalsadahan na pinaghaharian ng mga abusado sa kapangyarihan.
Isang hudyat aniya ito para mabago na rin ang batas na sumasaklaw sa pagkakaroon ng baril at electronic gadget gaya ng mga video recording. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News