dzme1530.ph

Iba’t ibang uri ng Agri products, nasamsam ng BPI mula sa tatlong pasahero sa NAIA

Kinumpiska ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang samu’t saring agricultural products sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 na dala ng tatlong pasahero mula Ho Chi Minh, Taipei at Korea.

Unang naharang ng Bureau of Customs (BOC) – NAIA ang 2kgs na dried dates at 1kgs. dried mushrooms dala ng isang pasahero sakay ng flight BR-592 na lumapag sa NAIA Terminal 1, kagabi.

Isang crosstephium na Chinese plant naman ang nasabat ng BPI dala ng isang pasahero mula Taipei.

Habang kinumpiska din ang 5kgs na Zucchini at 1.5kgs na plums dala naman ng isang pasahero mula Korea.

Ang mga naturang produkto ay walang mga kaukulang permit na maipakita sa quarantine services sa NAIA dahilan para kuhain ito BPI para sa tamang disposal. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author