![]()
Muling magsasagawa ng transport strike ang iba’t ibang transport groups sa March 26 hanggang 27 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.
Sinabi ni PISTON national president Mody Floranda na kabilang sa makikiisa sa aktibidad ang mga driver ng public utility jeepneys, utility vehicle express, transportation network vehicle service, at motorcycle taxis.
Patuloy na panawagan ng mga tsuper ang pagtanggal ng excise tax sa produktong petrolyo at ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law.
Iginiit naman ni Mar Valbuena ng grupong Manibela na ilulunsad nila ang dalawang araw na transport strike dahil sa kawalan ng sagot ng gobyerno sa lumalalang problema ng mga driver at transport workers.
Sinabi pa ni Valbuena na bagama’t nakatakda ang transport strike sa Huwebes at Biyernes, posibleng sa Miyerkules pa lamang ay hindi na pumamasada ang ilang driver.