dzme1530.ph

Iba’t ibang kontrabando, nasabat ng BOC

Nasakote ang Bureau of Customs (BOC) – Port of Subic ang mahigit 30,000 sako ng smuggled refined sugar na nagkakahalaga ng P150-M.

Ang kontrabando ay nasabat sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales, kahapon, March 2 kung saan pinangunahan mismo nina Customs Commissioner Bienvenido Rubio, Dist. Collector Marites Martin, DA Asec. James Layug at SBMA Chairman/Administrator Rolen Paulino ang inspeksyon.

Nakita ang mahigit 30,000 sako ng misdeclared refined sugar na nakalagay sa 58 containers.

Ayon kay Comm. Rubio, mas pinaiigting nila ang kampanya sa BOC laban sa smuggling lalo’t higit ang mga agricultural products na nagpapahirap sa mga magsasaka at maliliit na negosyante.

Bukod sa asukal, binuksan din ng BOC ang 2 container ng squid rings na itinago sa iba’t ibang frozen meat products na hindi rin deklarado at ito ay nagkakahalaga ng P40-M.

Sa Indanan, Sulu naman sinalakay ng BOC ang isang warehouse at nadiskubre ang 9.5-M pakete ng puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.42-B.

Ito ang pinakamalaking smuggled cigarette na nakumpiska sa ilalim ng Marcos administration.

About The Author