dzme1530.ph

Iba’t ibang departamento at barangay officials, pinakilos ni Mayor Isko Moreno para linisin ang Maynila mula sa mga tambak na basura

Loading

Kinuha ni Manila Mayor Isko Moreno ang serbisyo ng dating waste collector na Leonel Waste Management Corp. para bumalik at simulang mangolekta muli ng basura sa lungsod nang walang charge.

Inatasan din ni Moreno ang Department of Public Services (DPS) at Department of Engineering and Public Works (DEPW) ng lungsod, maging ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na makiisa sa pagkilos.

Sinabihan din ni Yorme ang mahigit 800 barangay officials na pangunahan ang cleanup operations sa kanilang mga komunidad.

Hiniling din ng nagbabalik na Alkalde sa mga residente na hintayin munang malinis ang mga kalsada bago magtapon ng kanilang mga basura.

Una nang itinigil ng Leonel ang kanilang operasyon noong 2024 dahil sa umano’y kabiguan ng nakalipas na administrasyon na magbayad ng walong buwang serbisyo na nagkakahalaga ng ₱560 million.

About The Author