dzme1530.ph

Iba’t ibang ahensya, magsasanib-pwersa sa pagpapatupad ng POGO ban

Makikipag-ugnayan ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng ban sa POGO.

Kabilang dito ang Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking, Bureau of Immigration, Anti-Money Laundering Council, Philippine National Police, at National Bureau of Investigation.

Naniniwala si PAOCC Executive Director, Usec. Gilbert Cruz, na layunin ng direktiba ni Pangulong Marcos na tapusin na ang pamamayagpag ng gambling activities na naging daan ng mga POGO para pagtakpan ang kanilang mga krimen.

Tiniyak din ni Cruz sa publiko na ipagpapatuloy ng PAOCC at iba pang law enforcement agencies ang pag-neutralize sa mga “Scam farm” na nag-o-operate pa rin sa bansa.

About The Author