dzme1530.ph

Iba pang Mayor Alice Guo sa lipunan, pinatutugis at pinasasawata

Iginiit ni Senador Loren Legarda na dapat hanapin ang iba pang mga ‘Alice Guo’ na nasa ating Lipunan.

Iginiit ni Legarda na kailangang bantayan ang mga ‘infiltrators’ na nakapasok na sa ating lipunan.

Ito ay maaring sa larangan ng negosyo, propesyon, local politics at mga sindikato.

Sinabi ni Legarda ba bahagi sila ng tinawag niyang ‘creeping invasion’ ng mga dayuhan.

Sa kaso ni Guo, iginiit ni Legarda na hindi ito naniniwala sa kaniyang kuwento na siya ay isang Pilipino na ipinanganak at lumaki sa isang farm.

Kumbinsido ang Senado sa mga dokumentong inilalahad nina Senador Risa Hontiveros at Senador Sherwin Gatchalian.

Sa pinakahuling inilabas na dokumento ni Gatchalian, naniniwala siyang ang Chinese National na si Guo Hua Ping na kasama sa nag-apply ng Special Investors Resident Visa at si Mayor Alice Guo ay iisa.

About The Author