Narekober ng National Bureau of Investigation (NBI) ang iba pang equipment at devices mula sa condominium unit ng Chinese national na inaresto dahil umano sa pag-e-espiya sa Pilipinas.
Sa follow-up operations sa bahay ni Deng Yuanqing sa Makati City, nasamsam ng mga awtoridad ang iba’t ibang devices, gaya ng laptop, computer, external drives, router, at modem na maring ginagamit para sa remote access at data extraction.
Narekober din ng mga tauhan ng NBI ang mga ID, passports, at deposit slips na ang bawat transaction at nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.
Isasailalim ang mga kinumpiskang equipment sa forensic investigation upang matukoy ang full capabilities at kung ginamit ang mga ito sa intelligence gathering activities.