Patuloy na tinutugis ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang iba pang hinihinalang POGO financiers sa Pilipinas.
Ito ay kaugnay ng ulat na may 4 Chinese at Chinese-Malaysian POGO financiers na sinasabing kasalukuyang nasa bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni PAOCC Spokesman Winston Casio na malapit nang madakip ang mga dayuhang financier na nagpopondo sa operasyon ng mga ilegal na POGO, at may hawak umano silang matibay na ebidensya laban sa mga ito.
Patuloy din ang kanilang monitoring at pangangalap ng impormasyon dahil maaaring higit pa sa apat ang mga banyagang POGO financier na nasa bansa.
Samantala, iniimbestigahan na rin ng PAOCC ang alegasyong pag-takeover ng mga Pilipino sa mga inabandonang operasyon ng POGO matapos itong i-ban ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News