Matagal nang naghihintay ng hustisya ang minaltratong kasambahay sa Occidental Mindoro na si Elvie Vergara.
Ito ang binigyang-diin ni Sen. Jinggoy Estrada kasabay ng paggiit na napapanahon nang maglabas ng paborableng desisyon ang Department of Justice (DOJ) sa kaso ni Vergara.
Iginiit ni Estrada na ang hustisya para kay Vergara ay long overdue dahil sa tagal ng tiniis nitong sakit at trauma na nagresulta sa mga bali, kawalan ng paningin at facial deformities.
Nararapat din anyang makatanggap si Vergara ng malaking kabayaran mula sa pang-aabuso ng kanyang amo bukod pa sa kailangang proteksyon na ibibigay sa kanya ng estado.