![]()
Lumobo sa 22% ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom at walang makain, batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na isinagawa noong Setyembre 24 hanggang 30 sa 1,500 respondents, lumitaw na ang hunger rate sa naturang buwan ay mas mataas ng 5.9 points kumpara sa 16.1% noong Hunyo 2025 at sa 20% noong Abril.
Ipinahayag ng SWS na ang 20.2% average ng hunger rate ngayong 2025 ay kapareho lamang ng naitala noong 2024 at 0.9 points na mas mababa kaysa record-high na 21.2% average noong 2020, sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Sa mga pamilyang nakaranas ng gutom, 16% ang dumanas ng moderate hunger habang 5.2% ang nakaranas ng severe hunger.
Lumabas din sa survey na 41% ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili bilang food-poor, 11% ang nasa food-borderline, at 47% naman ang not food-poor.
