Determinado si House Speaker Martin Romualdez na isulong ang transport modernization program gamit ang Filipino-made modern jeepney.
Pinulong ni Romualdez ang mga executive ng Francisco Motors sa pangunguna ni Elmer Francisco, chairman at Dominic Francisco, ang President-CEO ng kumpanya kasama ang iba’t ibang transport organizations.
Personal na sinuri at sinakyan ng House leader ang Filipino-made modern traditional at electric jeepneys ng Francisco Motors.
Ipinakita rin ng Francisco Motors ang kanilang gawa na bagaman at moderno ay hindi pa rin nawawala ang iconic look ng jeep.
Tinawag nila itong traditional Francisco Passenger Jeepney o FPJ na pinatatakbo ng EURO-4 compliant diesel engine at fully-electric Pinoy Transporter at may airconditining; CCTV, right-side entry, at may emergency backdoor exit o access para sa mga PWD.
Bunsod nito hinikayat ni Romualdez ang mga kapwa mambabatas na suportahan ang lokal na gawang jeepney subalit moderno, bukod pa sa lilikha ito ng maraming trabaho dito mismo sa bansa.