Hiniling sa Ombudsman ng grupo ni Davao del Norte Cong. Pantaleon Alvarez, na isailalim sa “preventive suspension” sina House Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Dalipe, Jr., Reps. Elizaldy Co, at Stella Quimbo ng Committee on Appropriations, at John Doe at Jane Doe.
Sa apat na pahinang petisyon, hiniling na habang hindi pa nareresolba ng Graft Court ang Falsification of Legislative Documents, at 12 counts of Anti-Graft Law na isinampa laban sa mga respondents, ay isailalim muna sila sa preventive suspension.
Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y pag manipula sa nilalaman ng General Appropriations Act for 2025, at isiningit sa blangkong items ang kabuuhang P241-B.
Bukod kay Alvarez, kabilang din sa nag-petisyon ay sina Atty. Ferdinand Topacio, Diego Magpantay, at Virgilio Garcia at tumayong counsel si Aty. Eddie Tamondong.