Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang mga incoming member ng 20th Congress, na suportahan ang Bagong Pilipinas vision ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..
Sa fellowship dinner ni Romualdez sa mga bagong halal na kongresista sa Imelda Hall, Aguada Residence sa Malacañang, binigyan diin nito ang kahalagahan ng pagkakaisa, maagang preparasyon at suporta sa reform-driven agenda ng Marcos administration.
Panawagan nito sa ‘younger generation of lawmakers,’ tiyakin na ang 20th Congress ay naka-sync sa polisiya ng Marcos gov’t katulad ng Phil Dev’t Plan, Fiscal Medium-Term Framework for the economy, at ang vision ng Bagong Pilipinas.
Ang fellowship dinner ang huling bahagi ng three-day Executive Course on Legislation para sa 40 new at come backing members.
Ang Executive Course on Legislation ay isinulong ng Speaker’s office, Center for Policy and Executive Development ng Unibersidad ng Pilipinas-National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG).