dzme1530.ph

HS Romualdez at iba pang kongresista, pinangalanang tumanggap ng komisyon sa mga proyekto ng mga Discaya

Loading

Pinangalanan ni Pacifico Discaya, may-ari ng St. Gerard General Contractor and Development Corporation, ang ilang mga kongresista, opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at iba pang personalidad na umano’y tumatanggap ng komisyon sa kanilang mga proyekto.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Discaya na hinihingan sila ng porsyentong hindi bababa sa 10% at umaabot pa sa 25% bilang kondisyon upang hindi maipit ang implementasyon ng kanilang mga kontrata.

Aniya, ang mga ito ay binibigay nila nang cash at ang bawat transaksyon ay may karampatang voucher at ledger na nagsasaad ng araw at petsa ng pagtanggap.

Pinangalanan niyang kabilang dito sina:

Terrence Calatrava – dating Undersecretary, Office of the Presidential Assistant to the Visayas

Cong. Roman Romulo – Pasig City

Cong. Jojo Ang – Uswag Ilonggo Partylist

Cong. Patrick Michael Vargas – Quezon City

Cong. Juan Carlos “Arjo” Atayde – Quezon City

Cong. Nicanor “Nikki” Briones – Agap Partylist

Cong. Marcelino “Marcy” Teodoro – Marikina

Cong. Florida Robes – San Jose del Monte, Bulacan

Cong. Leandro Jesus Madrona – Romblon

Cong. Benjamin “Benjie” Agarao Jr.

Cong. Florencio Gabriel “Bem” Noel – An Waray Partylist

Cong. Leody “Ode” Tariela – Occidental Mindoro

Cong. Reynante “Reynan” Arogancia – Quezon City

Cong. Marvin Rillo – Quezon City

Cong. Teodorico “Nonong” Tumbocon Haresco, Jr.– Aklan

Cong. Antonieta Eudela – Zamboanga Sibugay

Cong. Dean Asistio – Caloocan

Cong. Marivic Co Pillar – Quezon City

Dagdag pa rito, pinangalanan din niya ang ilang kinatawan ng mga pulitiko na nakikipagtagpo sa kanila para manghingi ng porsyento kapalit ng proyekto. Ang hanggang 25% umano ay ipinilit sa kanila bilang karaniwang kalakaran na wala itong kakayahan na tanggihan. Ilan sa kanila ay sina:

Regional Director Eduarte Virgilio – DPWH Region 5

Director Ramon Arriola III – Unified Project Management UPMO

District Engineer Henry Alcantara – DPWH Bulacan First

Undersecretary Robert Bernardo

District Engineer Aristotle Ramos – DPWH Metro First, Pasig City

District Engineer Manny Bulusan – DPWH North Manila DEO

District Engineer Edgardo C. Pingol – DPWH Bulacan Sub-DEO

District Engineer Michael Rosaria – DPWH Quezon Second DEO

Sinabi ni Discaya na karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit ay paulit-ulit na sinasabi na ang pera ay para kay Cong. Zaldy Co at dapat ay hindi bababa sa 25%.

Dagdag pa niya, ilang ulit ding binabanggit ni Cong. Marvin Rillo ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kanyang malapit na kaibigan. Sa mga inuman umano sa Wine Story (BGC) at EDSA Shangri-La Mall, sinasabi ni Rillo na lahat ng kanyang request para sa pondo ay galing mismo sa unprogrammed funds at insertion na inaaprubahan ni Speaker.

Ani Discaya, ang tao ni Rillo na si Bogs Magalong ang kumukuha ng pera sa kanila, habang si Cong. Jojo Ang ay laging nagsasabing ang lahat ng kanyang proyekto ay pondo mula kay Speaker at Cong. Zaldy Co.

Binanggit din ni Discaya na noong 2022, lumapit sa kanya si DPWH Project Engineer Angelita Garucha upang kolektahin ang bahagi ni Cong. Roman Romulo sa flood control projects sa Pasig. Nitong 2025 naman, si District Engineer Aristotle Ramos ang nagpakilalang bagman ni Romulo at humingi umano ng 30%.

Para sa kasalukuyang taon (2025), kabilang sa pinangalanang tumanggap ng komisyon sina:

Cong. Antonieta Eudela at ang kanyang asawa

Cong. Marvin Rillo – Quezon City

Cong. Nicanor “Nikki” Briones – Agap Partylist

Arturo N. Atayde – ama ni Cong. Arjo Atayde

Cong. Florencio Gabriel “BeN” Noel – An Waray Partylist

Cong. Eleandro Jesus Madrona – Romblon

Cong. Benjamin “Benjie” Agarao Jr.

About The Author