Inilatag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga isinusulong na budget reforms sa pagbubukas ng ikalawang sesyon ng 20th Congress.
Ayon kay Romualdez, ang transparency o pagiging bukas sa proseso ng budget deliberations ay mabisang sandata laban sa korapsyon.
Kabilang sa mga reporma ang pagbubukas ng deliberasyon, mula committee hearings hanggang plenary sessions, sa mga watchdog, at sa publiko, sa pamamagitan ng live coverage sa telebisyon at social media platforms.
Gagamitin din ng Kongreso ang kanilang oversight powers upang magsagawa ng crackdown laban sa inefficiency, fund wastage, at bureaucratic neglect.
Babala rin ni Romualdez sa mga ahensya ng gobyerno, hindi na awtomatikong makatatanggap ng pondo kung hindi makapapasa sa performance-based audit.
Ang mga repormang ito ay tugon ni Romualdez sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya kontra korapsyon sa gobyerno.
Aniya, bilang Speaker of the House, tinatanggap niya ang hamon, hindi upang makipagtalo kundi upang makiisa.