dzme1530.ph

Household electrification rate ng bansa, bumaba!

Bumaba ang porsyento ng household electrification rate o ang bilang ng mga bahay na may access sa kuryente sa buong bansa.

Sa pagtalakay ng Senate Subcommittee on Finance sa 2024 proposed budget ng Department of Energy, kinumpirma ni Energy Secretary Raphael Lotilla na mula sa 98% household electrification rate noong 2015, bumaba sa 96% ang dami ng mga bahay na may kuryente na batay na rin sa 2020 census.

Ipinaliwanag ni Lotilla na bunsod ito ng mas mabilis na pagdami ng household kumpara sa pagsusulong ng electrification programs.

Iginiit ng opisyal na nahihirapan din silang matugunan ang pagbibigay ng kuryente sa maraming lugar sa bansa bunsod na rin ng limitadong budget na inilalaan ng Department of Budget and Management. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author