dzme1530.ph

House Speaker Romualdez, pinangunahan ang welcome dinner para sa FIBA officials

Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang welcome dinner sa mga opisyal ng International Basketball Federation (FIBA) Central Board sa Bureau of Treasury building, sa Intramuros, Manila.

Kasama ni Romualdez sa nag estima sa mga bisitang opisyal ni Sports Patron Manny Pangilinan at Samahang Basketball ng Pilipinas.

Kabilang sa FIBA officials na nakaharap ng presidential cousin ay si FIBA President Hamane Niang, FIBA Treasurer Ingo Wiess, Secretary General Andreas Zagklis at FIBA member Celestine Adjanohoun.

Ang Pilipinas, kabilang ang Japan at Indonesia, ang host ng FIBA Basketball World Cup na magsisimula sa August 25 hanggang September 10, 2023.

Sinabi ni Romualdez na pinaghandaan ng Pilipinas ang event na ito at umaasa na magiging maayos hindi lang sa Team Pilipinas kundi sa lahat ng participating country.

Kabilang sa makakaharap ng Gilas Pilipinas ang national team ng Angola, Dominican Republic at powerhouse team ng Italy sa Group A. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author