Buo ang paniniwala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na magiging matagumpay ang hosting ng Pilipinas sa FIBA World Cup 2023.
Ayon kay Romualdez, bilang isang bansa na sobra ang hilig at pagmamahal sa larong basketball, oportunidad ito para ipakita sa buong mundo na handa tayo sa ganitong klaseng okasyon.
Bago pa man magsimula ang mga laro nagpaabot na ito ng pagbati sa lahat ng manlalaro na kalahok sa kompetisyon sa pangunguna ng 12-man line-up ng Gilas Pilipinas.
Umaasa rin si Romualdez na bawat kalahok na team mula sa 16-countries na sasabak sa FIBA World Cup 2023 Manila edition ay magpapakita ng galing sa loob ng hardcourt, at mag-iiwan ng hindi malilimutang alaala sa mga Pilipino.
Hiniling din nito ang pag-kakaisa ng lahat upang lubos nating maiparamdam sa lahat ng bisita ang tunay na pagmamahal at kultura ng Pilipino.
Ang Manila ay isa sa tatlong host City ng FIBA World Cup 2023 kasama ang Jakarta, Indonesia at Okinawa, Japan. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News