Kumpiyansa pa rin si House Speaker Martin Romualdez na sa pamumuno ni PBBM, kayang i-sustain ang “high economic growth trajectory” kahit ibinaba ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) at National Economic and Development Authority (NEDA) sa 6-7% ang growth target ngayong taon mula sa 6.5 to 7.5%.
Ayon kay Romualdez, kayang abutin ang ‘lowest end target range” dahil sa economic policies ng Pangulo katuwang ang Kongreso.
Umaasa rin ito na lulundag ng mataas ang ekonomiya ng Pilipinas sa oras na maisakatuparan ang isinusulong na economic charter reforms.
Bagaman at 6% na lang ang tinatayang ilalago ng ekonomiya, proud pa rin ni Romualdez dahil ito pa rin aniya ang nakikitang pinaka mabilis na pag-angat ng ekonomiya sa buong Asia-Pacific region.
Sumusunod lamang aniya ang Vietnam sa 5.1% target, Indonesia 5%, Malaysia 4%, Thailand 2.5%, at Singapore 1.2%.