Taos-pusong nagpasalamat si House Speaker Martin Romualdez sa Singapore Red Cross na nagbigay ng $50,000 donation sa mga naging biktima ng bagyong Carina at Habagat.
Sa mensahe ni Romualdez, tiniyak nito sa Singapore Red Cross na makakarating sa higit na nangangailangang biktima ng bagyo ang ₱ 2.925-million na donasyon.
Hindi lamang aniya sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang natutuwa kundi maging ang mga taong naapektuhan ng malawakang pagbaha dahil batid nilang makakatulong ang donasyon upang maibsan ang kanilang pagdurusa.
Kasabay ng pasasalamat sinabi rin ni Romualdez na sa mga darating na panahon, makaka-bawi rin ang Pilipinas sa kabutihan ng karatig bansa.
Idinaan ng Singapore Red Cross ang $50,000 donation o katumbas ng ₱ 2.925-M sa counterpart nitong Philippine Red Cross, na gagamitin naman sa emergency operations, pagka-kaloob ng essential assistance at relief drive sa mga kumunidad na naapektohan ng baha.