Kasama ng milyong Pilipino, ibinigay ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang “final salute” kay former Senator Rodolfo Pong Biazon, na sumakabilang-buhay kaninang umaga.
Inilarawan ni Romualdez si Biazon bilang “model citizen, brave soul, at good soldier” na sa araw na ginugunita ang katapangan at kabayanihan ng mga Pilipino ay sinundo ng God’s army.
Habang nasa kalagitnaan ng selebrasyon ng 125th Anniversary of the Proclamation of Philippine Independence day, nabalitaan ni Romualdez ang pagyao ng dating chief of staff ng AFP, Senador ng Republika at Kongresista ng Muntinlupa City.
7-taong gulang pa lamang ito ng maulila sa kanyang ama, kaya sa murang edad napilitan na itong magtrabaho para buhayin ang kanyang mga kapatid.
1961 ng magtapos ito sa Philippine Military Academy (PMA), at makaraan ang 30-taon itinalaga ito bilang ika-21 Chief-of-Staff ng AFP.
Matapos ang decorated military service, sumabak ito sa pulitika at nahalal na senador mula 1992-1995, at 1998 hanggang 2010.
Naging kasapi rin ito ng House Representative mula 2010 hanggang 2016. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News