dzme1530.ph

House Speaker Dy, bukas na ipaubaya sa ICI ang flood control probe

Loading

Pabor si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na ipaubaya na lamang sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang imbestigasyon sa flood control anomaly.

Gayunman, sinabi niyang pag-uusapan pa ng House leaders kung itutuloy o ititigil ang imbestigasyon ng House Committee on Public Works and Highways.

Pero sa ngayon, prayoridad muna aniya ng Kamara ang pagtalakay sa proposed 2026 national budget.

Tahasan niyang sinabi na tuloy ang mga reporma sa pagbabalangkas ng pambansang pondo upang matiyak na bawat sentimo ay nagagamit nang tama.

Nanawagan din si Dy sa publiko na makiisa sa pagbabantay para hindi makalusot ang anumang pagsasamantala sa pondo ng bayan.

About The Author