![]()
Naghayag ng kasiyahan si House Speaker Faustino Bojie Dy III sa pag-apruba sa 3rd and final reading ng HB 8468 o “eBayad Act.”
Ang “eBayad Act” ay naglalapit sa adhikain ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. na digitally empowered ang gobyerno at ekonomiya.
Ayon kay Dy, ang goal ng 20th Congress ay makatulong sa pagbuo ng pundasyon para sa tunay na modern government o Digital Pilipinas.
Sa sistemang ito, magiging mabilis, transparent, at mas accessible sa bawat Pilipino ang government services.
Lahat ng gov’t entities mula national gov’t agencies, local gov’t units, gov’t corporations, state universities and colleges, at local universities ay required na i-adopt ang digital payments.
Maging ang salaries and wages, allowances, honoraria, cash assistance, at lahat ng gov’t expenditures ay direkta nang makiki-credit sa transaction account ng tao sa pamamagitan ng electronic fund transfers at iba pang digital payment facilities.
Dagdag pa ni Dy, layunin nitong mapadali, gawing malinaw, at magaan ang transaksyon sa pamahalaan na malaki rin ang bawas sa red tape.
