![]()
Bukas ang pintuan ni House Speaker Faustino Bojie Dy III sa sinumang kongresista o maging sa mga kawani ng Kamara.
Yan ang pahayag ni Speaker Dy sa pag-aalburoto ng National Unity Party (NUP) hinggil sa umano’y paraan ng pamumuno niya sa Kapulungan.
Aniya, simula nang maupo siyang Speaker, malinaw ang kanyang direksyon na ang kapakanan ng sambayanan ang laging mauuna.
Binanggit din ni Speaker Dy na taun-taon, ang national budget ang pinakamahalagang batas na pinagtitibay ng buong Kapulungan.
Ito’y para siguruhin na matutugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng taumbayan, alinsunod sa programa ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Kasabay nito, sinabi rin ni Dy na ang lakas ng institusyon ay nakasalalay sa kanilang abilidad na maging bukas, maging konstruktibo sa pagresolba ng mga isyu, at maging matulungin sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw.
Lahat naman umano sila sa buong Kapulungan ay iisa ang layunin, lalo na ngayon na sinusubok ang katatagan ng gobyerno; sila’y magkisa para pagtibayin ang batas na tutulong upang ma-address ang problemang dala ng pandaigdigang krisis.
