dzme1530.ph

House Sec-Gen Velasco, inaming may ‘bomb threat’ na natanggap ang Kongreso

Inamin ni House Secretary General Reginald Velasco na may mga pagbabantang natatanggap ang ilang kasapi at staff ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Tumangi si Velasco na tukuyin ang pangalan ng House members at staff na nakatangap ng mensahe pero seryoso nila itong tinutugunan para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Halimbawa ng pagbabanta ang diumano’y ‘pagpapasabog sa Batasan’ pero ang pinakaseryoso umano ay ang kahina-hinalang pag-iikot ng motorcycles sa premises ng compound.

Dahil diyan nagpatupad ng paghihigpit sa pagpasok sa Batasan Complex at lahat ng sasakyan, kahit na may Issued ID mula sa Kamara ay sumasailalim pa rin sa masusing inspeksyon at pinapasadahan ng Bomb-sniffing dog.

Bawal na ring mag-park ng motorsiklo sa harapan ng alinmang gumasali sa loob ng Batasan

Maging sa deliveries ay hanggang gate na lamang at duon lamang ito pwedeng tanggapin.

Hindi rin masabi ni Velasco kung kunektado ito sa mainit na People’s Initiative (PI), maliban sa pagsasabing nitong buwan lamang ng Enero natanggap ang sunod-sunod na pagbabanta.

–Sa panulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author