Magsasagawa ang Kamara ng comprehensive congressional review sa lahat ng infrastructure projects at pondong ginamit para rito
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, tututok ang review sa mga ghost projects, bloated contracts, chronic underspending, at pag-abuso sa discretion sa pondo, kabilang ang realignment at procurement.
Kasama sa mga ipatutupad sa ilalim ng hakbangin ang real-time public reporting ng project progress at fund utilization, mandatory compliance sa performance standards ng contractors at government agencies, at ang pagbuo ng isang national infrastructure audit framework para maiwasan ang misuse ng public funds.
Giit ni Romualdez, ito’y bahagi ng mga hakbang ng Kamara para palakasin ang public accountability mechanisms.