dzme1530.ph

House QuadComm, pinakakasuhan sina FPRRD, Senators dela Rosa at Go dahil sa mga nangyaring patayan sa war on drugs

Inirekomenda ng House Quad Committee ang pagsasampa ng mga kaso laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bato dela Rosa, Senador Bong Go, at ilan pang personalidad, dahil sa mga nangyaring patayan sa drug war ng nakalipas na administrasyon.

Sinabi ni Quadcomm Lead Chairperson, Surigao del Norte Rep. Ace Barbers na nilabag nina Duterte, dela Rosa, at Go ang Republic Act 9851 o the Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and other Crimes Against Humanity.

Kailangan din umanong managot, batay sa rekomendasyon ng house panel, sina dating PNP Chiefs Oscar Albayalde at Debold Sinas, Retired Police Colonels Royina Garma at Edilberto Leonardo, pati na si dating Palace Assistant Irmina “Muking” Espino.

Inimbestigahan ng quadcomm ang mga pagpatay na iniugnay sa anti-drugs campaign ni Duterte at mga krimen na may kinalaman sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).  —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author