Handang ibahagi ng House Committee on Public Accounts sa binubuong independent commission ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang kanilang findings at dokumento hinggil sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Cong. Terry Ridon, co-chairman ng Infra Comm, kinikilala niya ang independent commission kaya handa niyang ilahad dito ang findings, kabilang ang pangalan ng mga mambabatas, upang ipakita na walang itinatago ang komite.
Giit ni Ridon, iisa ang kanilang layunin, panagutin ang lahat ng sangkot sa ghost, substandard, at overpriced projects saan mang rehiyon o administrasyon.
Dagdag pa nito, bahagi ng pagdinig ang pagbubuo ng batas para sa perpetual blacklisting ng mga kontratistang mapapatunayang tiwali. Sinabi rin ng mambabatas na dapat payagan ang pribadong sektor na magsagawa ng inspeksyon upang maputol ang linya ng korapsyon.