dzme1530.ph

House panel nag-isyu ng show-cause order laban sa mga dating opisyal ng PS-DBM

Naglabas na nang “show-cause” order ang subcommittee of the House of Appropriations laban kina former PS-DBM chief Lloyd Christopher Lao, at former Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong, at iba pang opisyal ng PS-DBM.

Ito’y makaraang hindi na naman siputin ng mga ito ang hearing kaugnay sa P47.6-billion anomalous Pharmally transaction sa kasagsagan ng COVID-19 Pandemic.

Handa na rin ang panel na i-cite in contempt ang mga naturang dating opisyal at ipaaresto.

Ayon kay Lanao del Sur Cong. Zia Alonto Adiong, nakaka tatlong pagdinig na sila subalit ni minsan ay hindi ito sinipot nina Lao, Liong at iba pa.

Mahalaga umano ang testimonya ng mga ito kaya naman determinado ang subcommittee na hanapin ang mga dating opisyal.

Sa naunang hearing inamin ni former Health Secretary Francisco Duque, na inaprubahan ni former Pres. Rodrigo Duterte ang paglilipat ng P47.6 billion mula sa DOH patungo sa PS-DBM.

About The Author