![]()
Nakahanda ang House Committee on Justice sakaling dumulog sa Korte Suprema ang kampo ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Cong. Terry Ridon, rules-based at evidence-based ang proseso sa pagtalakay sa impeachment complaints laban sa bise presidente.
Lahat ng ruling ay nakaangkla sa ebidensya at sa umiiral na batas, kaya naman sakaling magpasaklolo muli sa Korte Suprema si Duterte, handa ang komite na ipagtanggol ang proseso ng maayos, patas, at naaayon sa Konstitusyon.
Kinontra ni Ridon, chairman ng Committee on Public Accounts, ang claim ng kampo ni VP Sara na pawang “legal conclusions” o espekulasyon lamang ang mga bintang.
Tinukoy ni Ridon ang COA reports na lumabas sa imbestigasyon noon ng House Blue Ribbon at ang SALN para sa unexplained wealth issue.
