dzme1530.ph

HOUSE JUSTICE COMMITTEE, BIBIGYAN NG SAPAT NA PANAHON PARA SURIIN ANG LAMAN NG RAMIL MADRIAGA AFFIDAVIT

Loading

Bibigyan ng sapat na panahon ng House Committee on Justice ang pagsusuri sa nilalaman ng Ramil Madriaga affidavit at iba pang testigo.

 

Iyan ang nilinaw ni Batangas Rep. Gerville Luistro, bilang tungkulin na alamin ang katotohanan o veracity ng mga alegasyon sa complaint.

 

Ayon naman kay San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora, nasa yugto ang komite ng preliminary investigation kaya dito nila hahatulan kung si Madriaga ba ay competent o incompetent witness.

 

Kinumpirma din ni Zamora na nakikipag-ugnayan na ang komite sa korte at Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa sa Taguig kung saan nakakulong si Madriaga para sa pagharap nito sa April 14 hearing.

 

Itinuturing si Madriaga bilang vital witness dahil nagpakilala itong “bagman” ni Vice President Sara Duterte noong campaign period at tumatanggap ng pera mula sa drug lords at POGO operators.

About The Author