dzme1530.ph

House Infra Comm members dapat magsumite ng full disclosure

Loading

Nanindigan si Cong. Terry Ridon na kailangang magsumite ng written full disclosure ang lahat ng kasapi ng House Infra Comm ukol sa kanilang business o financial interests.

Aniya, ito ang magpapatunay na wala silang conflict of interest sa ginagawang imbestigasyon sa flood control projects sa buong bansa.

Paglilinaw ni Ridon, inaprubahan ng komite ang mosyon ni Rep. Chel Diokno kaya’t lahat, kabilang ang Deputy Speaker, ay dapat sumunod.

Binigyan ng limang araw ang mga kongresista para magsumite ng disclosure. Gayunman, hindi pa tiyak kung ano ang magiging parusa sa mga tatangging tumalima.

About The Author