dzme1530.ph

House Committee on Rules, halos kumpleto na; Rep. PM Vargas, hinirang na deputy majority leader

Loading

Halos kumpleto na ang mga kasapi ng House Committee on Rules na pinamumunuan ni Ilocos Sur Rep. Sandro Marcos bilang chairman at House Majority Floor Leader.

Sa ikatlong araw ng 20th Congress, kabilang sa mga itinalagang Deputy Majority Leader ay si Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael “PM” Vargas.

Matapos ma-manifest sa plenaryo ang kanyang pangalan bilang deputy majority leader, nagpasalamat si Cong. Vargas kina Majority Floor Leader Marcos at sa mga kapwa mambabatas sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Tiniyak naman ni Vargas na ibabalik niya ito sa pamamagitan ng tapat na serbisyo.

Bukod sa kanyang bagong tungkulin bilang floor leader, tuloy din ang pagsusulong ni Vargas ng mga adbokasiya sa larangan ng kabuhayan, kalusugan, at edukasyon.

Una na ring sinabi ni Vargas na na-inspire siya sa SONA message ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil tumugma ito sa mga panukala niyang isinulong para sa 20th Congress.

About The Author