dzme1530.ph

Hospitality and tourism sector ng Pilipinas, nahaharap sa malaking hamon sa employee retention

Nahaharap sa mga hamon sa pagpapanatili ng mga empleyado, ang hospitality and tourism sector, dahil marami ang naghahanap ng mas matataas na sweldo sa ibang bansa.

Ayon sa isang opisyal ng Hotel Sales & Marketing Association (HSMA), ang industriya ng hotel sa Pilipinas ay nangangailangan pa rin ng maraming manggagawa sa gitna ng paglago ng turismo.

Pahayag naman ni HSMA President Loleth So, na napakahirap pa ring kumuha ng mga bagong manggagawa at lalo na ang hikayatin silang manatili.

Sa ngayong, gumagawa na ang HSMA, ng isang programa para ma-engganyo ang mga manggagawa na pumasok sa sektor ng hospitality.

Samantala, ang ibang mga manggagawa sa turismo ay lumilipat din sa ibang mga industriya dahil sa work-from-home setup, na hindi maiaalok ng maraming hotel.

 

About The Author