dzme1530.ph

Honorary Oscars Gala, iniurong sa Enero sa gitna ng strikes

Iniurong sa January 2024 mula Nobyembre ngayong taon ang Governor Awards Gala, kung saan iginagawad ng Honorary Oscars ang lifetime achievement, sa gitna ng ongoing actors’ and writers’ strikes.

Ayon sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences, na siyang organizer ng Oscars, unang itinakda ang ceremony sa November 18, kung saan pararangalan sina US Comic Mel Brooks at Actress Angela Bassett.

Gayunman, naglabas ang academy ng bagong schedule nang walang paliwanag at tinukoy lamang ito na “rescheduled.”

Una nang nilayasan ng writers ang kanilang trabaho noong Mayo, at sinundan ito ng mga artista noong Hulyo.

Ang dalawang unyon ay kapwa humihirit ng mas mataas na suweldo, at garantiya na hindi maaagaw ng artificial intelligence ang kanilang mga trabaho at kita, kasama ang iba pang demands. –sa panulat Lea Soriano

About The Author