dzme1530.ph

Honoraria ng poll workers, dapat matanggap sa tamang oras

Loading

Pinatitiyak ni Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian sa Commission on Elections na matatanggap ng mga guro na nagsilbing poll workers ang kanilang mga honoraria sa tamang oras.

Kaugnay nito, pinasalamataan ni Gatchalian ang mga guro sa serbisyong ibinigay nila para mapanatiling maayos ang 2025 midterm elections.

Binigyang-diin ng senador na bukod sa paghubog sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino, ang mga guro ang maituturing na frontliners sa pangangalaga ng demokrasya ng pilipinas.

Kaya naman nararapat lamang anyang tanggapin ng mga titser ang pinakamataas na pagpupugay mula sa buong bayan.

Sa inaprubahang compensation adjustment, ang mga guro na nagsilbing chairperson ng electoral board ay makakatanggap ng ₱12,000 na honoraria; ₱11,000 para sa mga poll clerk at third member; at ₱8,000 para sa mga support staff.

About The Author