Inanunsyo ng Malakanyang ang karagdagang ₱1,000 umento sa honoraria ng mga guro na nagsilbing poll workers sa Halalan 2025.
Bukod ito sa additional ₱2,000 na nauna nang ibinigay sa mga teacher.
Nangangahulugan ito na ang Chairperson ng Electoral ay may kabuuang ₱13,000 na allowance habang ang poll clerk at third member ay may tig-₱12,000.
Ayon sa Comelec, matatanggap ng poll workers ang kanilang mga allowance sa loob ng 10-araw pagkatapos ng eleksyon.
Sinimulang ipamahagi ng Department of Education ang honoraria noong May 13.