dzme1530.ph

Home isolation para sa mga biyaherong positibo sa COVID-19, posibleng payagan ng DOH

Posibleng payagan ng Department of Health (DOH) ang mga biyaherong papasok sa bansa na positibo sa COVID-19 na sumailalim na lamang sa home isolation.

Pahayag ito ni DOH Secretary Ted Herbosa nang tanungin kung paiikliin ba ng ahensya ang bilang ng mga araw o aalisin na ang quarantine para sa mga biyaherong COVID-19 positive sa quarantine facilities, sa sandaling bawiin na ang COVID-19 state of public health emergency sa bansa.

Sinabi ni Herbosa na dahil nasa ilalim naman ng DOH ang Bureau of Quarantine ay posibleng payagan na niya ang home isolation.

Noong Martes ay inihayag ng kalihim na nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang public health emergency bilang “de facto” lifted at tanging pormal na kautusan na lamang ang kailangan para tuluyan itong mabawi. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author