dzme1530.ph

Hog farms na nag-o-operate ng walang lisensya, ipasasara ng DA

Loading

Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbuwag sa livestock farms na nag-o-operate ng walang kaukulang permits, dahil sinisira ng mga ito ang supply chain at price stability sa bansa.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na naglabas ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng show cause orders sa siyam na farms sa Central Luzon na matatagpuan sa Bulacan, Pampanga, at Tarlac.

Aniya, dapat ipaliwanag ng mga may-ari ng farms kung bakit patuloy silang nag-o-operate sa kabila ng pagbalewala sa basic health, environmental, at safety regulations.

Idinagdag ni Tiu Laurel na ang lapses ay maaaring makaapekto sa mga hakbang ng pamahalaan na ma-stabilize ang supply at presyo ng karneng baboy, lalo na ngayong bumabangon ang bansa mula sa epekto ng African Swine Fever (ASF).

Binigyang diin din ng Kalihim na sa gitna ng mga hakbang ng gobyerno tungo sa modernisasyon, dapat maunawaan ng lahat na walang puwang ang mga hindi lisensyadong operasyon.

About The Author