Itinuturing ng Department of Health (DOH) na epidemic na ang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, nai-uulat ang 57 bagong kaso kada araw sa bansa, na pinakamataas na naitalang kaso ng virus.
Halos one-third o 30% ng mga ito ay nasa edad disi-otso pababa, na maituturing umanong malaking problema kung hindi agad masosolusyunan.
Tinawag naman itong “youth epidemic” ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña, kaya iminungkahi nito ang pagkakaroon ng AIDS Medium Term Plan (AMTP) na may 16-bilyong piso na pondo para sa 2026.
Aniya, ang ₱7-B rito ay nakalaan para sa prevention; ₱3-B para sa testing; at ₱5-B para sa pagpapagamot, sa pamamagitan naman ng PhilHealth.